<p style='margin:0px; text-align:center; font-size:16pt; font-weight:bold;'> You need Adobe Flash Player to see this video<br><br> <a href='http://www.macromedia.com/go/getflashplayer' style='text-align:center; font-size:16pt; font-weight:bold;'> Get the Flash Player</a></p>
Търсете във видеоклипове, участници, събития, аудио файлове, снимки и блогове Търсене

Моят блог

«назад

CHRISTMAS GIFT SUGGESTION

Nov 27, 2013

2,171 Прегледи
     (0 Рейтинг )

Protips - Christmas Gift Suggestions
By Maloi Malibiran-Salumbides

In less than a month, Pasko na! Sa tuwing nalalapit na ang panahon ng kapaskuhan, marami sa ating mga kababayan ang nagdo-doble kayod sa pagtatrabaho, puro over time at hanap ng iba’t ibang sidelines para mabilhan ng regalo ang kanilang mga mahal sa buhay, mga kaibigan at mga katrabaho. Kaya karamihan sa atin ay tinatawag din ang masayang panahon ng kapaskuhan na matinding panahon ng gastusan. Pero teka-teka, masarap talagang magbigay at makatanggap ng regalo pero kung ito ang magiging dahilan para hindi mo ma-enjoy ang masayang season na ito, mukhang may mali yata sa ating paghahanda para sa Pasko.

Ngayong araw, pag-usapan natin kung ano nga ba ang magandang ipangregalo sa ating mga mahal sa buhay. Maraming mga kumpanya ang naghahanda ng kanilang mga corporate give aways. Ang iba naman ang have decided to have simpler Christmas celebrations para naman makatulong sa ating mga kababayan na nasalanta ng bagyong Yolanda. Nevertheless, nariyan pa rin ang pagbibigayan. Hindi mawawala ang gift-giving pagdating sa Christmas season. Ano nga ba ang magandang iregalo ngayong darating na Pasko.

If you are looking for the perfect gift for that “someone special” make sure it is a:

1) Personal Gift. Hindi ka maghahanda o bibili ng regalo para sa sarili mo. So your gift must be something that fits the person you are giving the gift to. Hindi yung bagay sa iyo, hindi yung gusto mo. Kundi kung ano ang magugustuhan niya, ano ang hilig niya at kailangan.

God gave a personal gift by giving his son to die for our sins. He came for everyone. He came and died for you personally.

2) Practical Gift. You know what it’s like to get a gift that you really don’t want or can’t use. Kaya choose something that will be useful doon sa taong pagbibigyan mo.

Jesus has given us the most practical gift of all, eternal life for those who believe Him, for those who surrender their lives to Him. It is something that we all need. It is something that we all must have. Without it, we die and go to hell. With it, we live eternally. There is no gift that we could ever need more than the gift of eternal life.

3) Pleasing Gift. Hindi ko bibigyan ng hamon ang kaibigan kong vegetarian dahil sigurado akong hindi niya ito magugustuhan. And we all know what happens to gifts that we don’t really care for. Napapalagay ang mga ito sa estante para mangulekta ng maraming alikabok, o kaya naman ay nare-recycle.

God gave us the pleasing gift we could ever ask for, His son. I can assure you that Jesus will satisfy the deepest longing of your heart. Iyan ang natatanging regalo na naghahatid sa atin ng tunay na kagalakan.

4) Permanent Gift. The gifts that we give should be something that is permanent and of lasting value. Hindi isang bagay na disposable at masisira agad sa unang araw pa lang na ito ay ginamit. Maganda rin na ito ay nananatiling kapaki-pakinabang kahit tapos na ang mismong araw ng Pasko.

Our God gave us the permanent gift of eternal life. In John 10:28, it is written, “And I give unto them eternal life; and they shall never perish, neither shall any man pluck them out of my hand”. Wala nang hihigit pa sa regalong ito na kaloob ng Diyos. He wrapped himself in human flesh. He bore our sins and took our shame. Jesus laid down his own self so that we could have this permanent gift.

Ano ba ang naiisip mo na bilhin o ibigay sa iyong mga ka-opisina ngayong Paskong ito? Consider the following: make it a personal gift, a practical gift, a pleasing gift and a permanent gift.

Meron tayong kasabihan that “It’s the thought that counts”. Ito ang excuse ng marami sa kanilang pagiging kuripot. Pero alam mo ba na ibinigay ng Diyos ang pinakamahal na regalo para sa atin? Ang Kanyang bugtong na anak na si Jesus. Hindi mura ang ibinayad para sa ating kaligtasan. Binili Niya tayo sa pamamagitan ng Kanyang banal na dugo.

And in the midst of all of the shopping and gift-giving, we often lose vision of the real gift of Christmas, si Jesus. What is the best gift you could give this season? That is your heart. Give your heart to Jesus. Accept Him as your personal Lord and Savior. Ito ang pagbibigay na magbibigay sa iyo ng tunay na kaligayan at kapayapaan sa buhay.

Be a blessing in the workplace today!