<p style='margin:0px; text-align:center; font-size:16pt; font-weight:bold;'> You need Adobe Flash Player to see this video<br><br> <a href='http://www.macromedia.com/go/getflashplayer' style='text-align:center; font-size:16pt; font-weight:bold;'> Get the Flash Player</a></p>
Търсете във видеоклипове, участници, събития, аудио файлове, снимки и блогове Търсене

Моят блог

«назад

the pause principle

Nov 26, 2013

1,807 Прегледи
     (0 Рейтинг )

Protips -The PAUSE Principle
By Maloi Malibiran-Salumbides

What do you do when you are in doubt, angry, tired and stressed? Instead of taking a step further, wise people know that the better thing to do is to pause. Isang kaibigan ang nagpadala sa akin ng magandang text message na ganito ang sinasabi, practice the pause attitude. When in doubt, pause. When angry, pause. When tired, pause. And when stressed, pause.

At ano ang gagawin mo sa panahon ng paghinto at pananahimik? Pag-usapan natin iyan ngayon sa Protips. Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides.

There are four things that I'd like to suggest we do whenever we pause.

First, Pause and be Silent. Kapag ikaw ay naiinis, galit o kaya naman nawala ang composure mo dahil sa isang pangyayari sa opisina. Huminto ka muna at namahimik. Dahil sa panahon ng pananahimik mas nakapag-iisip tayo at mas nakakapakinig tayo kung ano ang tama at dapat. Iwasan mo muna ang magsalita kapag ikaw ay galit na galit dahil hindi malayong masakit at maling pananalita ang iyong masabi. Marami sa atin ang hindi sanay at kumportable sa katahimikan. But silence and solitude are necessary if you want depth in your life. Marami kang matututunan sa pananahimik.

Second, Pause and Pray. Sa iyong pananahimik, manalangin. Prayer is not just talking to God. It is more a discipline of learning how to listen to Him. May nakapagsabi nga, "When you pray do not be like a general giving orders and instructions to God. Be like a simple soldier instead who says, 'Reporting for duty, Lord.'" It is good to pause several times within the day just to pray.

Third, Pause and Rest. If you are the kind of person who is always on-the-go, mas lalo mong kailangang i-practice ang pause principle. Huminto at magpahinga. Ang mga sasakyan kailangan ng regular change-oil at tune-up. Tayo kailangan din na break para magpahinga. Isang pag-aaral sa Harvard University ang nagpakitang ang kakulangan ng pahinga lalo na ang kakulangan sa pagtulog ay nagbubunga ng kawalan ng productivity sa opisina. Sa isang artikulo sa New York Times ganito ang sinasabi, "Sleep deprivation costs American companies $63.2 billion a year in lost productivity." Samantala, sa isa namang research na ginawa ng Stanford, pinatulog ng researcher na si Cheri D. Mah ang ilang basketball player ng sampung oras kada gabi. At nakita nilang malaki ang naging tulong nito para bumuti ang kanilang performance sa basketball. Tumaas ng 9% ang free-throw at three-point shots ng mga manlalaro na may sapat na tulog. Pause and rest. Kailangan mo iyan kung gusto mong maging mas productive sa opisina.

Fourth, Pause and Get back on Track. May panahon para magpahinga at may panahon para bumalik sa ating trabaho. God designed that we work six days a week and rest for a day. Kung puro pahinga lang tayo, nakakapagod din iyon. Marami sa mga walang trabaho ang mas mahaba ang tulog dahil ito ang paraan nila para mag-cope sa depression. It is depressing not to do anything because we were created to create and be fruitful. Rest to be recharged for another full day at work.

Practice the pause principle. Pause and be silent. Pause and pray. Pause and rest. Pause and get back on track.

Be a blessing in the workplace today!